Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2004

3 years na kami...

Aba at 3 years na kami kahapon ni pre! Di ko akalain na ganito na kami katagal! La naman kami ginawa na espeyshal! Nagsimba kami (sermon na nung dumating kami) at nanood ng Kung Fu Hustle (di ko masyado gusto pero in fairness e natawa naman ako sa ibang part) na gustong gusto ni pre. Natuwa ako kasi nag-enjoy sya! Tapos pag-uwi namin, masakit tyan ni chichi so inaliw ko muna sa inuwi kong coloring pages na elmo at barney... Tapos kumain kami ni pre ng lutong GP (sinigang, shanghai at tapa)... Ayun, tapos nun, tinulugan ko sya mwahahaha...

Meri Krismas!

2 days na lang krismas na naman! Wow! Kasama na naman ng family ang friends this year pero syempre may new addition, andito ang sister ko! Di talaga ako nagcecelebrate ng pasko. Pano naman? Parati ako iwan. Tapos dadalaw lang ako sa parents ko nun then magkukulong na ako sa pasko! Mas feel ko ang New Year e. Anyways, saya-saya. Syempre ilang years na ring iba. Kasama ko si labs at syempre 3 years ko ng kasama si dawter. Feel na feel ko! Next year, kasama na sana si san o kaya si dawter #2. *Lord, sana son!* Dami pagkain, preprepare ako ng peach crepe, sana ay hit sya! First time ko gagawin e. Hmmm, sana sana sana... Excited na ako!

Prens Forever

Nung sunday lang i-upload ni hubby yung pictures from the digital camera. At kaninang umaga, naalala ko yung picture ng dawter ko with my inaanak. Gusto ko kasi ibigay kay kumare. Ang cute nilang 2. Si dawter ay nakatawa at si inaanak naman ay nakasandig kay dawter. Para silang prens forever. Oh well, inosente pa naman sila e... Eto naman para sa kumare ko, mader ni inaanak... Buntis kasi sya sa pangatlo nya. At plano nila na umuwi na lang sa bansang sinilangan dahil sa gastos dito. Nalulungkot ako. Sya na kasi isa sa kaclose ko dito. Sya ang aking una naging roommate dito (para kaming si Rachel at Monica), ilang months apart lang nung kinasal kami, 3 weeks apart lang si dawter at si inaanak. At ngayon naman mukhang 3 weeks apart na naman ang pangatlo nya at pangalawa ko. Hayyy kalungkot! Sana wag na sila umuwi (para na naman akong 2 years old nito).